The CSB Experience: What If I Joined the The Team?

    Ngayon lang muli lumutang sa isip ko ang prospect na sumali dito kaso ang nais ko ay napunta sa limot dala sa nahihiya ako’t nang-iilang.

    Lumabas muli ang thought nang pagsali ko sa isang varsity nung nakausap ko ang kaklse kong taga-SDO. Iniisip ko kasi ang mga hinihingi ng schol sa mga kagaya nila: maagang pagsasanay, doble kayod sa academics, atbp., kaya hindi ko noon ipinuna ang mga iyon nang pansin. Pansamantala naman kasi nagcoconcentrate ako ngayon sa pag-aaral ng violin. PLano ko na ring tumigil rin don for now para bigyan na rin nang tuon ang pagsali sa varsity.

    Kamakailan lang, pumunta ako sa SDO para makausap man ang coach nila at/o ung team captain nila. Buti na lang, wala sila, plus nung tinanong ko kung open sila sa try outs, close daw sabi ng ale don kasi currently nasa kalagitnaan pa ang mga varsity sa sports calendar raw nila. Binigyan na lang ako nang number ng coach para sa kanya na ako mismo mang-inquire. sa di sinasadyang pagkakataon, nagkita uli kami ni Isaiah na nung una di ko nakita pero siya nakita niya ako. Nagkamustahan kami at may buhok na siya uli.

Siguro next year, seseryoshin ko na iyon talaga.

Leave a comment